Dear Friend,
Miss na talaga kita! Nasanay na ako na ikaw ang taga gising ko sa umaga at taga-hele ko sa gabi. Parang hindi kumpleto ang araw ko kung hindi ko nakikita ang pangalan mo sa inbox ng cellphone ko. Alam kong may mga dahilan kung bakit nawawala ka minsan. Alam ko ding wala akong karapatan para alamin pa kung ano iyong mga iyon. Sana lang minsan maalala mo din ako. O baka naman hindi ko schedule ngayon?
Sa isang banda, tama din naman ito. Dapat hindi ako masanay na nandyan ka. Masyado ka kasing sweet, baka mahulog ang loob ko sa’yo. Hindi pa nga ba? Hindi ko alam kung sadyang ganyan ka talaga o sa akin ka lang ganyan. Hindi ko din alam kung ano ang papaniwalaan ko. Kailangan kong maging maingat. Ayokong dumating ang araw na kailangan akong mamili at natatakot akong baka hindi ikaw ang piliin ko.
Miss na kita! Mag-text ka naman please!
Nikki
February 27, 2007 at 12:58 pm
Sana nga mag-text na siya.
May 15, 2007 at 11:18 pm
Salamat po mam niceheart.